Monday, February 3, 2014

Bitter-bitter-an

Isang kabaliwan ang maging masaya.

Sino nagsabi na dapat ang tao maging masaya? Kalokohan yan.

Walang karapatan ang tao maging masaya. Dahil kahit gaano ka kasaya, kahit sa tingin mo ay nasa langit ka na sa sobrang saya mo, maghintay ka, mawawala lang yan ng parang bula.

Yun nga mas mahirap e. Kung mas mataas ang inabot ng kasiyahan mo, asahan mo, mas masakit ang lagapak mo sa lupa. Mas supalpal sa mukha mo ang katangahan na ginawa mo. At mas mararamdaman mo ang sakit ng kalungkutan, sa sobrang taas ng kasiyahang inabot mo.

Proportional yan e. Your happiness is directly proportional to your sadness once you reverse the equation. Di pa ma-disprove ang batas na yan. So an increase in happiness, means an increase in sadness. Simple lang diba?

Alalahanin mo na lang ang panahon na sobrang saya mo dahil sa isang regalong nakuha mo nung bata ka. Laruan na paka-asam-asam mo. Aba! Kung laruin mo araw-araw ay parang walang bukas. Kasama mo pa matulog. At sa bawat paghimbing mo, alam mo na kuntento ka na. Pero hindi! Isang araw, nakita mo na lang nasira ito, o nadungisan, o natastas. Basta, biglang nawalan ito ng silbi. Iyak mo na lang nun diba? Kaunting dabog sa nanay. Pagmamakaawa na bilhan ka uli. Pero dahil kasalanan mo, wala na tong kapalit. Kahit ilang luha pa ang iiyak mo, tapos na. Wala na. Move on girl!

At yun nga. Wala kang magawa kundi pilitin humanap ng bagong kasiyahan. Tiisin ang walang laruan. Matuto ka makuntento kung anong meron ka.

Bata ka pa nun. E ngayong malaki ka na? Ano na lang ang lungkot mo? Times 5 pa ang hirap! Dahil mas complicated na ang buhay. Hindi lang laro. Hindi lang dahil sa laruan. Ang daming factors na pampagulo pa lalo, at pampahirap.

Ano na lang ang saya mo na natanggap ka sa una mong trabaho diba? Matapos ang ilang panahon, di mo na rin makaya  dahil ang boss mo ay sobra kung tratuhin ka na halos nawalan ka na ng respeto sa sarili mo. Gusto mong umalis pero naduduwag ka. Ay girl! make up your mind! Stay or go! Sadness or sadness!

Ang saya mo nung na-promote ka. Malaki na sweldo mo. Permanente ka na. Pero goodness! Naging bahay nman na ang opisina mo. Kulang na lang ay pati maligo gawin mo na sa opisina... O baka nagawa mo na? Sige. Dyan ka na! Yan na life mo!

Ang saya mo sa bagong kotse mo, kaso tumaas ang gasulina o nagasgasan ito o baka nabangga at ang hassle na lang ng police report at insurance. Aba! Sa maynila ka nag-drive e. Pareho kayong may kasalanan!

Ang saya mo nung bago kayo ng boyfriend mo. Aba! Honeymoon stage kaya. Hanggang ayan, nawawala na. Di mo na alam kung ano nangyayari. Biglang labasan na ang kaliwa't kanang issues at dahilan na di mo alam kung san nanggaling na ang gusto mo lang isigaw ay "kasalanan ko ba yun? E di pa nga kita kilala nung panahon na yun e!". Susme! Simple lang dapat ito!

Gusto mo sumigaw dahil ang saya mo. 

Gusto mag-mura dahil sobrang lungkot mo. 

Gusto mo umiyak sa saya. 

Gusto mo humagulgol dahil sa lungkot

Di maalis ang ngiti mo sa sobrang kasiyahan.

Sa loob-loob mo, pinagtatawanan mo ang sarili mo dahil inulit mo na nman ang mali mo kaya malungkot ka.

Goodness!!! Ano ba naman ito? San ka na lang lulugar?

O di ba? Kabaliwan ang maging masaya?

4 pebrero 2014

----------o0o----------

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”  - Bob Ong

No comments:

Post a Comment